Operation baklas ng Comelec, muling isinagawa sa ibat ibang bayan sa Pangasinan

on . Posted in Latest News

PANGASINAN, Abril 26 (PBS) - Pinagbabaklas ng mga tauhan ng Comelec at Dagupan PNP ang mga campaign material na nasa ipinagbabawal na lugar.

Manu-mano ang ginawang pagtanggal ng mga poster na nasa mga poste, pahirapan din ang pag alis ng mga alambre sa mga tarpaulin. Pati mga arko sa barangay, di rin pinalampas.

Inalis din ng Comelec ang mga poster kahit pa may sariling istruktura dahil nakapako at nakapulupot ang mga alambre sa mga puno.

Sinita din ng Comelec Dagupan ang mga naglalakihang poster sa mga pribadong lugar.

Sa Calasiao naman, maaga pa lang inumpisahan na nila ang pagbabaklas sa mga campaign paraphernalia na wala sa tamang sukat at lugar.

Tiniyak ng Comelec na magpapatuloy pa rin ang ganitong “operation baklas” hanggang hindi tumatalima ang mga kandidato.(Media ng Bayan)

 

Hatol ng Bayan Videos