Independent investigation team sa pagsabog ng granada sa bahay ni Mayor Orduña, hiniling ni Gov. Espino

on . Posted in Latest News

PANGASINAN, Abril 25 (PBS) - (Update) Hiniling ni Pangasinan Gov. Amado Espino Jr. sa hanay ng Philippine National Police na magsagawa ng malaliman at independent investigation sa nangyaring pagsabog ng granada sa bahay ni Bugallon Mayor Rodrigo Orduña kahapon ng madaling araw.

Sa pahayag na inilabas ng kapitolyo, hindi raw papayagan ng gobernador ang sinuman na maghasik ng kaguluhan lalo na ngayong eleksyon. Sa matagal na panahon, tahimik kasi ang Pangasinan.

Kaugnay nito, hiling ng gobernador na magkaroon ng independent at non-partisan investigation tungkol sa insidente.

Matatandaan kasi na marami sa mga alkalde at opisyal sa lalawigan ang lumagda sa manifesto na hinihiling na palitan si OIC PD PSSupt. Marlou Chan. Hindi raw kasi nito kayang resolbahin at mapigilan ang mga nangyayaring kaso ng pamamaril sa lalawigan.

Sa talaan ng PNP, mahigit pitumpo na ang kaso ng shooting incident mula nang magsimula ang election period.

Sa naturang manifesto, sinasabi ring bias si Chan dahil sa pagkiling nito sa ilang kandidato.(Media ng Bayan)

 

Hatol ng Bayan Videos