Catholic vote, ikakampanya ng Archdiocese of Caceres

on . Posted in Latest News

 

CAMARINES SUR, Marso 26 (PBS) - Sinimulan na ng Archdiocese of Caceres dito sa lungsod Naga at Camarines Sur ang kampanya para sa tinatawag na Catholic Vote o ang pagpili ng kandidato sa parating na midterm election batay sa konsensiya.

Ayon kay Msgr. Nelson Tria, Chairman ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa Camarines Sur, ang kampanya para sa pagpili ng mga ihahalal na kandidato ay gagawin sa pamamagitan ng Voters Education Campaign na ilinunsad ng ng simbahan katoliko dito sa lungsod ng Naga nang nagdaan na linggo.

Ang kampanya para sa voters education ay gagawin ng bawat parokya sa Archdiocese ng Caceres matapos lamang ng holy week.

Ayon pa kay Tria, maglalagay ng mga posters at tarpaulins na may nakasulat na slogans at alituntunin para sa tamang pagboto.

Sinabi rin ni Msgr. Tria na walang iindorsorsong kandidato sa pagka senador at maging mga lokal candidates ang Archdiocese of Caceres. (Media ng Bayan)

Hatol ng Bayan Videos