Krisis sa kuryente sa Mindanao, sosolusyunan ng DOE

on . Posted in Latest News

 

MANILA, Marso 22 (PTV) - Naglatag na ng long at short term solutions ang Department of Energy hinggil sa krisis sa Mindanao.

Ito ay matapos na tumagal na sa pitong oras ang dati-rating tatlong oras na brown out sa rehiyon.

Para sa short term solutions, naghahanap na ng kumpanya ang DOE na magtatayo ng mga diesel plants.

Bagamat may kamahalan ang gastos nito ay maaaring magamit na ang planta makalipas lang ang anim na buwan.

Naging mas mainit ang isyu ng suplay ng kuryente sa Mindanao habang papalapit na ang eleksyon sa Mayo na gagamitan ng mga Presinct Count Optical Scan o PCOS machines na nakadepende sa kuryente.(eje/ptv-Media ng Bayan)

Hatol ng Bayan Videos